travelads

Tuesday, March 1, 2011

Best Pasalubong from Baguio

whaat!!! pasalubong?.... goodness! pinoy talaga :) hehehe Umalis ka lang saglit .. makakarinig ka na kagad ng salitang "pasalubong". Hmmm, hindi talaga maalis sa ating mga pinoy ang ugaling ito [well, ako rin naman ganito minsan hahaha!]. Para kasing kahit di ka nakarating sa mismong lugar basta makatanggap ka lang ng pasalubong galing doon.. Soo happy na..:) [feeling nakarating ka na din diba :)
Baguio!
If you want to see bargain hunter's paradise,well come to Baguio! :) Mapa ukay-ukay up to souvenir gaga tiyak ito and top destination :). Knowing that city of pines is one of our tourist trap mapa-local man. why?..come to think of it,prices and rates are pretty reasonable compared to other top destinations here in our country. Subukan mong mag Boracay or Palawan hehehe :)



Ano nga ba yung madalas nating ipinapasalubong from Baguio, well base sakin na kagagaling lang sa Baguio eh eto ang mga pinasalubong ko :)
KEY CHAIN
Syempre kung mura-mura lang ang budget na nakalaan  para sa pasalubong natural,pasok na pasok dyan ang KEY CHAIN haha. Key chains with strawberry design or yung pencil key chain are offered at 10 Php to 15 Php each pwede nyo pang palagyan ng names :) [ nagtitipid eh hahaha :)] Kung para sa mga clasmates or ofcmates ok na pasalubong ang keychain at least pantay-pantay sila haha :) kasi diba if you give keychain tapos sa iba peanut brittle or lengua, baka magtampo pa sila diba kasi mas mahal yung natanggap nung iba... haha so much better kung pare-pareho nalang sila :) at di pa butas ang bulsa natin  dahil mura lang :) at mukhang pangmatagalan pa :) lol actually may keychain nga na penis ang design hehe kung wholesome ka di ka pwede nito :)  at guess what, iba iba pa ang sizes hahaha. Nakakatawa talaga isipin nyo naisipan pang gawing design yun para lang sa key chain..:) Kung souvenir lang pag uusapan ang daming mapagbibilihan sa baguio mantakin nyo naman kahit saan ata kayo punta at tumingin may mga souvenir shops. Laging pinapaalala na wag kalimutan ang PASALUBONG hahahaha.

Strawberry 🍓
If mapagawi kayo sa strawberry farm tiyak di nyo makakaligtaan ang strawberry... yun eh kung araw ng strawberry :) haha mapa strawberry candies, strawberry wine,home made strawberry ice cream hanggang strawberry jam meron dun  pati strawberry TAHO meron din  sa halagang 10 piso hahaha :) Strawberry jam for only 35 php, Ube jam 3 for  150 php:). Fresh 1 kilo of strawberry is 120 php they also sell 1/2 kilo of it na 60 petot :) [picture: 1kilo na yung nasa box]

Lettuce and other vegetables sayote,pechay baguio and repolyo ay abot kaya.. di na ako nagdala kahit mababa pa ang presyo hahaha naman mabigat kaya dalhin yun!! Peanut brittle,Lengua de gato and chocolate and milk flakes range only for 50 pesos...

Walang kasawaang T-shirt 👕 souvenir

Walis Tambo :)
you can buy the ubiquitous Baguio bonnet at the city market,then shop for ukay-ukay (used clothes,bags and shoes) at the Hilltop area Session road, where some stuffs can go as low as P10 petot as long as you know how to use your haggling skills haha T-shirt  for pasalubong only 2 for 150 any sizes. .. :) 

Sobrang dami ko na bang nabili/... hahaha... feeling ko nga di ko pa nasabi lahat .. kaya eto laspag ang bulsa ko haha pero ok lng :) ma-ishare ko man lang ang mga bagay na nagpapaalala sakin na ako ay minsang umakyat sa norte :)



🌼Support donation🌼

 Running a blog & Youtube takes a lot of time, money and effort. Become a part of a selfless patron by buying me a coffee ☕ or sponsoring a post is really a big help! Your support is highly appreciated and it really means a lot to me. I DO Thank you :)



Saturday, February 26, 2011

Panagbenga 2011, Baguio Philippines

Just got home from watching panagbenga parade 2011' :).. awhooss! all the way from norte.. eto online again!... walang kapaguran!!! welcome back at the same time here in my page.. hehe tagal tagal narin :)

The Mansion
Sobrang naging busy na si misay 😊 hindi na laging updated eh hehehe. Anyway,back again sa aking 1 day bakasyon sa BAGUIO!!!

Enjoy ko talaga ang flower festival ng Baguio at kahit na 1 araw lang kami sa lugar na ito super sulit namn.  Actually sobrang na miss ko na nga ang lugar na ito eh. Second time around ko nang pumunta sa lugar na ito 😊 and for this time!! Hindi dahil sa trabaho kundi para mag-enjoy!! At ang ukay-ukay sa Session Road ay super namiss ko ng bongga.


HAPPY kasi wala akong iniisip na trabaho na maglibot sa Baguio unlike before na puro trabaho lang talga dito sa city of pines kaya hindi rin nakakagala to see the other part of Baguio :) nung napatira ako rito ng ilang buwan. 


Masaya lang makipag siksikan mapanood lang yung parade at kaloka ang daming tao! Ang gaganda pa ng kanilang mga costume at talagang pinaghandaan nila ng todo. Kaya namn kung kayo ay may time wag nyo rin palampasin ang Festival na ito tuwing buwan ng Pebrero. Hanggang sa susunod na gala ulit mga dabarkads!



🌼Support donation🌼

 Running a blog & Youtube takes a lot of time, money and effort. Become a part of a selfless patron by buying me a coffee ☕ or sponsoring a post is really a big help! Your support is highly appreciated and it really means a lot to me. I DO Thank you :)



Monday, January 24, 2011

Ang Handa - Pinoy ka kung ang Handa nyo ay


Likas talaga sa ating mga pinoy ang maghanda tuwing may okasyon 😊 mapa-birthday, reunion, anniversary, fiesta at isama na ang pasko at bagong taon. Sa dami-dami nga nating fiesta mapa-ibang lugar man sa pilipinas ay tiyak na mabubusog ka sa mga tradisyunal na mga pagkain na kalimitan nating inihahanda sa hapagkainan. Sadyang hindi talaga ako maka move-on sa mga pagkain noh 😂 makita ko lang ang mga larawan ay natatakam na ako. 

Nakalakihan ko na rin kasi na naghahanda ang magulang ko tuwing may okasyon at gustong gusto ko tuwing sasapit ang buwan ng disyembre. Kahit hindi man magarbo ang mga handa at hindi ganon kamahal ang aming noche buena ay nagagawa parin namin maging masaya dahil narin sa salo-salo kaming buong pamilya na kumakain sa mahalagang araw na iyon. Hindi mawawala sa hapag kainan ang matatamis at ang masasarap ng ulam 😋


Sabi nga na kung bagong taon kailangan ang madaming handang bilog! haha. Huwag na huwag raw mawawala ang mga prutas na bilog, matamis at malalagkit. 

Wednesday, January 19, 2011

Ang Fiesta sa amin 😊

Im back!! ... after a week na di nagsusulat.. namiss ko bigla :) Hmm medyo naging busy narin kasi Fiesta samin last sunday.. bago ko simulan ang mahaba haba kong sentimyento.. hahaha batiin ko lang yung lugat namin ng "Happy Fiesta!! Viva sr. sto Nino"..

Happy Fiesta :)
Sobrang stressed, dissapointed, nakakafrustrate at sobrang inis ang naramdam naming lahat...  WHY? ... dahil narin sa mga SPOILER ng barangay namin :( sobrang galit lahat ang nararamdaman namin para sa kanya..... magwala ba naman sa pageant namin!! tsak!! mabuti nalang at natapos na namin yung mga parlor games namin ... hay...Bakit nga ba ako nang gagalaiti sa inis!! well ganito kasi yun, dahil narin nga sa fiesta sa aming lugar eh naisipan naming magbabarkada na magsagawa ng isang project which is yung Ms. Gay pageant at ginawa naming Ms. Shembot.

Ang mga kalahok ay ang mga barako naming friends, mga tropa kong boyz [parang just for fun lang at magbigay ng kasiyahan sa mga kapitbahay namin.] Sa tagal naming itong pinalano yung programang iyon, isipin nyo: Christmas palang pinaplano na namin yun :( tapos lumipas na ang pasko at new year.. fiesta na ... all set  at lahat nakagayak na... bigala ba naman umiksena ang isang kapitbahay!!! 

Grrrr!!! [naka-inom kasi kaya feeling nya siya ang BIDA!!].. So ayun na nga.. ok na sana eh madaming nanunuod.. daming humahanga, ang daming tumatawa :) first time ba naman naming gawin yun dito sa lugar namin :) ... Eto na si kapitbahay... gumitna at nagwala sa harap ng maraming tao..!! :( nakakasad dahil sinira niya yung programa namin na ang tagal tagal naming pinaghandaan :( sobrang kainis!!! Dahil narin sa nangyari napagdesisyunan na hindi nalng ituloy yung programa dahil narin sa sobrang tensyon at hindi pa umuuwi yung mga taong sanhi ng kaguluhan... hanggang sa maghating gabi na ay nasa kalsada pa rin yung tao na yun at nagwawala.. tsak!!! hay buhay, nilalagay kasi sa ulo yung iniinom hindi sa tiyan!! mga pasaway!!


Anyway : sa happy side naman ang isshare ko :) sobrang saya nalng kasi bawi naman kami sa mga parlor games.. sobrang masasaya yung  mga bata at kami rin :) Patok na patok sa mga kapitbahay hahaha :) Dahil nga rin sa sobrang pinaghandaan namin ang fiestang ito... ang mga tropa ko haha gumawa pa si mang erning [picture above].  tinatawag namin siyang Mang erning hahaha :) kaya sobarng patok ang parlor games namin... tuwang tuwa yung mga bata. Acctually lagi namn naming ginagawa yan eh... after gawin ang banderitas eh gumagawa rin kami ng mascot :) nilagyan pa ng RH hahaha :) kaya nga nakakafrustrate kasi sa nangyari eh :( Kahit hindi ganun kadami yung handa namin masaya prin [picture below] : Pansit. morkon, salad, at menudo.... yun ang pinaka handa namin :) sobrang sarap at sobrang busog :)  ako kaya nagluto ng mga yan hahaha :) Di ko na nga naramdaman ang guto dahil narin sa busy sa mga palaro :) yung mga bata parang walang kapaguran at lahat gusto manalo.. Mabuti nalng at madami daming sponsor hahaha




Ang mga yummy naming handa ;) .. Ayan Tapos na ang pasko, new year at ang fiesta... tuloy tuloy nanaman ang buhay .... medjo matagal nanaman ang susunod na holiday... :(  ang saya saya  sana next  fiesta makagawa ulit kami ng Ms. Shembot!! :) hanggang sa susunod hehe


Friday, December 31, 2010

WelCome 2011!!!!! Lets Hug hehehe :)

I write this with an hour to the next year...

WELCOME 2011!!!!

With all the tragedies it may be my own personal or national phenomena that struck us the past year, there is no other way but to welcome 2011 with smile and big hope on us. I wish that all of us would get what we dream and wish for this coming year!!! especially me 😭 .... whether it be having good health, achieving financial stability, being successful in life, job search, having a happy family (soon) or just simply having a better year! 

Here's to a better year for ALL of us! and yes! to world peace

Happy new year everyone!

Sunday, December 26, 2010

**A meRry Merry Christmas to me**

How fast time flies!!!Grabe noh,we have been preparing and excited for christmas…and now it has passed. New year and fiesta is up next on the list! [well, next year pa naman yung fiesta,kasi january yung patron namin Viva Sr. Sto Nino!! :)]So many great memories for Christmas this year :)…how fun it was and how happy I was with all the gatherings with my family and friends!! Parang nung isang araw lang ... ang dami-daming bata!! Na nagkakaroling!! pagtapos ng isang grupo may another group nanaman na susunod hahaha sobrang sakit na nga ng lalamunan ko kakasabing "PATAWAD, BALIK NALANG SA PASKO!! hahaha" (salamat nga di ako nasasabihang "Ang babarat ninyo haha"). Pinipili ko lang kasi yung mga batang binibigyan ko haha :) napaka-mean ko ba? hehe :). Hindi naman :), kasi I just concentrated on giving away goddies (candies) because it seemed that those small children appreciated these more kesa sa mga matatanda nang nagkakaroling diba haha :) .

As what i wrote last time diba ,were planning about the t-shirt we wanted .. thanks god kasi natapos din yung printing at naibigay samin before christmas. Good thing is that kakilala pa namin yung nagpprint hehe:) and nung christmas eve nga suot namin lahat hahaha :) [picture below]

my t-shirt .. with my name on it :) Highlight yellow haha!

Ang saya nga ng mga pinsan ko... Dama!!haha  dama sa tulog...as in umaapaw da sa pumapadyak na RH.. matira matibay daw! :). Asual yung tamang trip nanamam namin na walang tulugan every Dec.24  :) sobrang enjoy kasi naglalagay pa nga kami ng box sa kalsada with matching shembot dance pa ng mga pinsan ko magcaroling lang daw sila libre show haha :)

Bungad Boys daw

Here we are, enjoying the night kasi may t-shirt kami haha :). Kinabukasan pasko na!! parang salubong lang haha :). Guess what! ang tititbay nila gising pa hanggang kinabukasn.. as if naman... natulog naman ako hahaha mga around 3 am [Hindi kinaya ng kape lang eh!!] ..

Dec. 25 christmas day!! dahil late na natulog late na din nagising hahaha :). Nagising ako mga past 12 na grabe noh!! yung mga inaanak ko pala ilang bese na pumunta sa bahay  kakahanap sakin LOL kasi tulog pa ko haha.. eh  mom ko naman di binibigay yung gift kasi baka daw magtaka ako.. kaya nung magising ako grabe nakita nila ko kagad ha... hahaha:D
Sobrang wow, I cooked food for the noche buena namin... walang kasawaang SPAG!! and shanghai hmmm typical handa every christmas... at ang di maperfect perfect na Tiramisu ko na grham :( hahaha kung hindi sobrang dami ng graham na parang biscuit na, or nasobrang daming gatas na parang salad graham na hahaha ngayon naman di nanaman nabuo haiz!! but still naubos naman siya hehe :) Natural Christmas is sharing nga daw so kanya kanyang labas ng handa..... puro SpaG hahaha iba iba nga lang Red and white.... plus mga Fatty food hehe :)

Its really a merry merry Christmas for me :) hindi ko ito mararanasan kung nasa ibang lupalop ako ng daigdig.. :) sobrang ang saya ng pasko natin .. talagang hahanap hanapin  nyo.. hindi lang sa mga regalong natatanggap natin, mga masasarap na handa natin, kung magkano ang aguinaldo na nakukuha natin... kundi ang  feeling na magakakasama ang buong pamilya at makita ang mga taong malalapit sa puso natin :)... Kasama narin ang pagsimba at pagpupugay kay Jesus na siyang dahilan kung bakit tayo ay nagsisiya :)

MAligayang pasko sa inyong lahat!!!!!

Thursday, December 16, 2010

NeBer Get Old PinOY Movie

Kainis na sore eyes! Hindi tuloy ako makalabas ng bahay!! haiz, walang magawa kundi ang manood ng nalang ng TV. Since ang aga ko nagising at dahil narin sa problema kong mata napanood tuloy ako ng TV. Yung mga lumang pelikula na pinalalabas tuwing umaga, yung before eat bulaga :) hehehe. 

Nung nanunuood na ako ng pelikula sabi sa akin ng kapatid ko:

"Ate, anu ba yang pinanunuood mo si Palito ba yan? ang O.A ah!! may solo movie pala siya hehe.. oh!! sabi ko na ba eh.. huli nanaman yang mga pulis hahaha!". 


Well, natawa narin ako kasi totoo naman :) kaya ayun nauwi rin sa kwentuhan naming magkapatid yung pinanunuod namin :). As if my post today would be about pelikulang pinoy 😃 hahaha kakatuwa lang kasi pagsimulan ng kwento't usapan diba :') 

[hindi naman sa hindi ko gusto ang mga pelikulang pinoy ah!!!] 

Actually I 💛LAB it pa nga kasi hindi naluluma. Marami ring mga pelikulang luma ang nagustuhan ko :) kahit nga comedy eh haha matatawa pa ko kasi natural lang yung mga jokes :) Anyway, back again on my blog :) guys, nabasa ko rin lang yung ibang info sa isang blog dati eh pero pipili lang ako yung tipong pasok sa banga sa katotohanan LOL :D Alam ko nakakarelate kayo.. tama diba?.. Pinoy ka kung alam mo ang mga sinasabi ko hehe

Top signs of a Pinoy kinda funny flick hehe aminin :)

1.  Naka-leather jacket lagi ang kontrabida kahit tanghaling tapat LOL si Palito sa pinanood ko na movie naka leather jacket  :) haha click na click itong #1 ah! :) 

2. Laging nakakarinig ng “putok ng baril” ang kontrabida kaya natitigilan siya sa pag-rape sa leading lady. Dialogue niya, “Anong putok yun?! Halughugin ang buong lugar!” hahaha halughugin ang paligid kasi dumating na yung bida :) .. bakit kaya kung kelang susugod ang bida duoon palang nila pinaplano yung gagawin nila haha natataon ba yun? :)

3. Kahit first time lang makahawak ng baril ang leading lady ay asintado ito sa barilan. Partida nakapikit pa yun or di nakatingin sobrang kakatwa haha

4. Kahit miyembro ng malaking sindikato at milyones ang kita nila, asahan mong bulok ang getaway car nila (muscle car na Mitsubishi o Toyota dahil pasasabugin yun ng mahiwagang baril ng bida) kahit naman ngayon pasabugin cars nga tawag namin dun eh hehe :) 

5. Napakalakas ng bida at kayang sugurin ang 30 miyembro ng sindikato kahit mag-isa lang siya. take note pa! ang dalang baril ng bida eh 3 piraso lang hahaha :) bilang kasi yung bala nung baril at kasya lang sa lahat ng kalaban nya kaya dapat walang sayang LOL :D 

6. Laging may music video hahaha as if hindi mawawala ang music video ng bidang lalaki at bidang babae :)

7. Laging sa kaliwang braso ang tama ng bida pag nababaril (bawal sa ulo o sa puso) syempre bawal mamatay ang bida :) 

8. Laging sa abandonadong building o lumang tambakan ng bus ang hideout ng kalaban (instruction niya lagi na huwag mag-sama ng pulis ang bida)syempre para malawak ang venue ng habulan hahaha :) 

9. Maluwag ang pagkakatali sa bihag ng sindikato kaya nakakawala ito at nakakakuha ng pambambo/pamalo (tsinelas o dos-por-dos na gawa sa styrofoam). Bakit kaya hindi nila i-try na gumamit ng posas ng pulis :) 

10. Gasgas na gasgas na ‘to: Huling darating ang mga pulis para damputin ang mga kalaban. Kakausapin ang bida para magbigay ng pabuya hahaha as if di na bago yun 😉 hahaha

Hehe nakakatawa lang sobrang patok na patok talaga at sobrang pasok sa banga yung mga ito haha :). Naalala ko pa nga minsan kung kailan may pagkakataon na ang goons na patayin ang bida eh hindi parin nya ginawa kasi may dialogue pa syempre.. haha :). 

Alam ko lahat tayo may ganitong eksena nang napanood sa pelikula aminin!! hehehe at minsan nga kahit kauupo palang natin sa sinehan at hindi pa umiinit ang mga puwet natin sa upuan alam na kagad natin ang ending LOL...  Sa panahon ngayon marami narin namang nagbago :) kahit paano nageevolved narin ang mga pelikula natin :) Sadyang parte na talaga ng ating buhay ang mga ganung palabas at kaakibat na ng ating kamusmusan at kabataan :) Pinoy ka kung alam mo ang mga  lumang pelikung pinoy hehehe :) ako pa, Eh ang tatay ko laging nanunuod ng ng mga lumang pelikula lalo na kung FPJ pa yan LOL pag si da king na ang palabas.. tiyak di namin malilipat ang channel hahaha :) Alam ko kayo rin naiisip ang mga bagay na nasulat ko hahaha kasi totoo naman diba?.. hahaha

magandang gabi :)



🌼Support donation🌼

 Running a blog & Youtube takes a lot of time, money and effort. Become a part of a selfless patron by buying me a coffee ☕ or sponsoring a post is really a big help! Your support is highly appreciated and it really means a lot to me. I DO Thank you :)



Monday, December 6, 2010

Enjoying Juan for all Sugod Bahay Gang!! :)

Well! Sino nga ba ang hindi nakakaalam ng segment na Juan for All Sugod Bahay Gang ng GMA7 😃 Malamang sa hinde eh yung mga taong walang TV lang ata hehehe or siguro yung mga avid fan ng kapamalya. Super saya at gusto ko isigaw na "PUMUNTA sila sa barangay namin!!" 

Yung  Banner nila :( sad natakpan yung InBoX na ginawa ko :)

Why ko nga ba ito ang topic ko??.  Hehe simple lang naman!.. Syempre na-experienced ko eh ang saya saya pala talga!:) Imagine napapanood ko lang sila sa TV tapos biglang barangay na pala namin ang susugurin nila.  GEEEz! nakita ko na si Wally at Jose sa personal [yun nga lang kasi,wala si princess PAOLO :)]. Come to think of it, Ako as in ako ha!! nakikisigaw ng... Wally!!! Wally!!! tsaka Jose!! Josee!!  hahaha di ko lubos maisip :) haha but it was soooo fun!!! lalo na sila JOSE!!! and when I saw those macho papa na sila tungkab and foundation sobrang hiyawan sila mga kapitbahay ko LOL :) So gwapo !!! Sa gitna sila ng kalsada at sobrang swerte narin namin dahil dumaan sila mismo sa tapat ng bahay namin **giggles!!! at nataon pa na kapitbahay din namin yung mapalad na tinawagan ni bossing :) sobrang dami ng tao, grabe as in, at sa sobrang dami nila hindi ko na nga kilala yung mga iba.. mga dumayo pa mula sa kalapit na barangay namin :)

ang mga Sugod bahay gang!!

Actually taping lang yung nangyari at ipapalabas pa sxa sa Dec 23.. Dahil nga magDedecember at madaming holiday kaya siguro taping ang nangyari kaya feeling ko lahat scripted eh hahaha pero sobrang enjoy ko at kahit hindi nabunot ang linya namin eh nakakuha namn ako ng tumataginting na 500 petot kaya ok lang.. at syempre bwenas narin at nakita ko sina wally at jose nakakatuwa sila talga.

[FYI: for those who don't know about the games eto po yung nag-lalatag sila ng mga numbers sa kalsada (pictures below) and bubunot sila ng mananalo pero you have to bring something like plastic bottles and stuff na hinihingi nila :)good thing about it, is that you will get 500 pesos even if hindi natawag yung number mo :) Ang saya dib!

sa tapat ng bahay :) we are all excited to step on those numbers!!


sobrang parami ng parami ang tao!!dagat-dagatang tao hehe


Sobrang patok talaga ang Juan for all, Sugod bahay na segment na ito para sa mga masa :) I am not an avid fan of both stations mapa 2 or 7 man kasi minsan lang din naman ako nanunuood ng tv kung dayoff ko at walang pasok kaya namn tuwang tuwa ako na makita ito sa personal at talagang nakukuha nito ang aking interes na panoori pa sila lalo 😊 

Talaga namang nakakatuwa sila wally at jose 😂 kaya sobrang inaabangan ko talaga sila sa eat bulaga :). Nakapag bibigay pa sila ng pag-asa sa mga mamamayang pilipino. Sa dami ng umaasam na mabigyan ng pagakakataon na kagaya nito laking tulong talaga.. sa prize palang tabong-tabo ka na :) lalo na ngayon maagang pamasko ito :). Iniisip ko nga, sila kaya yung pumipili ng mga nananalo?.. kasi natataon na laging natatawagan eh yung talagang nangangailangan :). Syempre hinahangad din naman namin na bunot kami sa tatawagan pero dahil nga sa mas may higit pang nangangailangang kesa sa amin eh masaya narin kami 😉 okey lang kasi, ang madalaw lang kami ng Juan for all ay sobrang saya na!!!!

Sana mabisita rin kayo ng Juan for all at maexperience nyo ang saya!



🌼Support donation🌼

 Running a blog & Youtube takes a lot of time, money and effort. Become a part of a selfless patron by buying me a coffee ☕ or sponsoring a post is really a big help! Your support is highly appreciated and it really means a lot to me. I DO Thank you :)



Tuesday, November 30, 2010

YES! December 1 na...!! pasko Na!!

Grabe noh!, ang bilis talaga ng panahon!.. Di nalang natin namamalayan New Year na ang sinecelebrate natin! noh!!! Masaya dahil sa darating na ang kapaskuhan.. sagana nanaman sa masasarap na pagkain na minsan lang hinahanda tuwing may okasyon..yes!! makakakain nanaman ng letchon hehe :D (yun, eh kung may lechon na handa!! sa hirap ng buhay ngayon ang lechon magiging pritong manok nalng muna hehehe)... well, ganun pa man...ano pa nga ba masasabi ko kundi.. "Welcome!! Calories and fats!! welcome back again!!!hehehe"

with my pinsan vherlia at naneth
Sorang isip na nga kami kung anong pagkain ang aming ihahanda para sa aming noche buena.. as if ako lang naman ang magluluto!! :) Kahit alam kong hindi maganda ang darating kong pasko.. dahil narin sa inaantay nilang tao (ineexpect bang impkto na darating ng x-mas... sobrang dissappointed na nga ako...at alam ko hindi parin nila matanggap hehe :) )

Anyway ganun  talaga.... sana maging masaya nalang ako sa pasko... :) alam ko kaya ko naman yun!! ang maging masaya... IInom lang katapat nun hehe :) sa dami kong pinsan tiyak lamang na magiging masaya ang pasko ko!! Laman nanaman kami ng kalsada hanggang mag-umaga :). Parang nakagawian na namin kasi yun, ang magpaumaga sa tapat ng bahay namin tuwing ika-24 ng gabi  hanggang sa umaga ng abente sinko 25 mismong araw ng pasko..:) Kami-kaming magpipinsan.. after magnoche buena sa mga bahay, lalabas kami at magdadala ng kanya-kanya naming handa sa bahay :). Last year nga naalala ko, hindi lang dalawang pansit yung naglabas samin eh kasi pare-pareho lang naman kasi ang handa :) hahaha tapos parehong may lumpiang shanghai at walang kasawaang spag!! hahaha :) sobrang buSOG!! samahan pa ng kahong-kahong RH :)

[picture below] last Dec lang yan... :) kita naman pala sa date hehe :). Sabi kasi nila last christmas ko na daw yan sa pinas eh..:( well hindi pa pala nagkamali sila ng iniisip haha ako pa!! matitiis ko ba naman sila. Kaya sa pasko malamang sa hindi,wala nanamang aabsent sa mga kolokoys kong mga pinsan yung kinagawian... tambay sa labas.. :) lalo na ngayon na may pakulo pa silang t-shirt na ginawa.. excited na ko..:) sana mas masaya at mas higit na masaya... !!!
Last year night of Dec24 with kapinsanan :)
Alam ko na lahat tayo ay may kanya-kanyang kwento at kanya-kanyang paraan kung paano sinecelebrate ng masaya ang pasko..:) iba talaga tayong mga pinoy kung saan ginagawa nating mas lalong memorable ang bawat paskong dumarating :). Kami, ganito ang paraan namin... siguro nga dahil sa nagkakasundo kaming mga magpipinsan at di nalalayo yung mga edad namin kaya click!! hehe :) so mga pinsan kita kits sa tambayan!!!!



🌼Support donation🌼

 Running a blog & Youtube takes a lot of time, money and effort. Become a part of a selfless patron by buying me a coffee ☕ or sponsoring a post is really a big help! Your support is highly appreciated and it really means a lot to me. I DO Thank you :)



Sunday, November 28, 2010

My First Winter Experience | SWEDEN

@my aunt house
Whenever I hear the word winter nothing else comes to my mind but SNOW!!.. ooohh soo SNOW... I really love snow even if I only saw that  on a television or in a movie before. May panahon pa nga na ipinapanalangin kong umulan sana ng snow sa Pilipinas eh hehe :) Parang winter wonderland lang. Gusto ko mafeel at gusto ko maexperience!!!.. kaya kahit paano masaya ako kasi tinupad ni santa ang isa sa mga nasa wish list ko hehe at yun nga ay ang makakita ng Snowy snow!!..at OO!!nga!! masarap nga talaga maglaro at maghiga-higa sa snow eh..(kids at heart eh!!)

Kaya ako di ko sinayang ang bawat sandali... Na maramdaman kong bumata ulit. Alam ko  na I am soo blesssed dahil di lahat ng ng tao ay binibigyan ng pakakataon na maexperience ang mga bagay na kagaya nito. Kaya pinasasalamatan ko mga bagay na nararanasan ko :).

Ate Rose at ako sa labas ng bahay
Continuation lang of course!! hehe you know what guys!! even if you'll have to wear 3 clothes per day ok lang!! may snow eh! :) at kahit traumatic magbihis ng 5 minuto dahil sa dami ng damit makalabas lang!! ok lang!! may snow naman eh at masaya parin.:)

Kaya nang makita kong nag-snow...I  ran out of the house kahit isang jacket lang suot ko just to feel the snowwy snow flakes!! gusto ko maexperience!! gusto ko sila mahawakan!!  at higit sa lahat, gusto ko maramdaman ang pagdampi nila sa balat ko!!! Sobrang hindi ko na inintindi ang lamig... sobrang feeling ko... eto na, hawak ko na sila ngayon. Wala na ako sa harap ng  tv at totoo na!! Ang sarap pala ng feeling at supperrduper heart fulfilling para sakin.. i just smiled  all day kasi di ko lubos akalain diba :)

Sobrang winter wonderland for me... kulang nalang si snow white :) Naisip ko lagi nila sinasabi na pwede ba yan sa halo-halo.. hmmm, haha hindi naman siya kagaya ng crushed ice na nabibili sa store kasi napaka-pino nya para sakin eh. Maybe yung mga tumigas na sa kalsada baka pwede pa haha.. anyway hindi ko lng alam if safe siya gamitin for that :). I really enjoyed touching it!! parang pulbos sa mukha ko at kahit silipin kami ng mga neighboorhoodsss ok lang!!..Kiber ko! haha once in a lifetime lang yan sakin :) Sabi nga nila sakin "welcome to SNOW HELL!! just enjoy"!!hahaha :)

I dont care if they dont like snow.. basta ako enjoy ako!!! Gagawin ko ang lahat ng pwede kong gawing sa aking wonderland  dahil yun ang ikasasaya ko hahaha :) Sobrang enjoy ko mag-ski at magpadulas dulas sa yelo... di ko na alam kahit tumulo pa ang sipon ko!!! who cares!! lol :)



Kahit saan ako tumingin kulay puti nakikita ko!! :) yung mga bike at mga sasakyan lubog na sa nyebe.. buti nalng gumagana ang mga heater nila!! everyday may naghahakot ng snow sa kalsada at tinatambak nila sa gilid ng kalsada :) they put pebbles too (maliliit na stone)para di madulas... :) yung lawn punong puno ng snow!! pwede na ako malunod sa kasiyahan at lumangoy langoy hehe :). Natural, lagi lang naman masarap sa umpisa!!  hehehe lalo na at bago lang na 
na-experience.. habang tumatagal ang snow na dating kinsasabikan ko pasakit pala ang dala haha :) pero love ko parin siya :).. Bakit kanyo?...dahil sa lamig dito umaatake ang katamaran bluess dahil narin sa sobrang lamig!! katamaran gumalaw!! katamaran lumabas at katamaran maligo hahaha (joke!!)

Ngayon ko naisip!!...Na kaya pala masaya ang pasko natin sa Pilipinas dahil tuyo ang kalsada.. :) maraming bata ang nagtatakbuhan at gumagala sa mga bahay-bahay para mamasko. Walang iindahing lamig at basang bota't sapatos!! eh kung ganito ba naman ang christmas mo.. at puro puti ang nakikita mo!! ang saya-saya siguro!! hehe (syempre kabaligtaran yun!)... Hahanapin mo parin ang simoy ng paskong pinoy!! [as if kung taong bahay kayo na  kagaya ko].. ok lng kahit sa loob ng bahay!! pasok ka rito!! 



Christmas is in the air
Magkaroon man o walang snow sa atin tiyak masaya parin ang pasko lalo na kung sama-sama ang pamilya mo. Kung makikita ito ng mga batang nangangarap ng snow sa pasko!! siguradong maiisip nilang wala silang napamaskuhan dahil sa lamig at siguradong nasa loob lang sila ng bahay...hehe parang ako lang nung bata pa ko!!... nangangarap na sana umalan ng puting snow!! at gagawa ako ng snow man!! :) at ngayong naexperience ko na ang may snow...masaya at mahirap.. kaya eto lang masasabi ko: pahirap pala ang my snow!! hehe :)



🌼Support donation🌼

 Running a blog & Youtube takes a lot of time, money and effort. Become a part of a selfless patron by buying me a coffee ☕ or sponsoring a post is really a big help! Your support is highly appreciated and it really means a lot to me. I DO Thank you :)