Wednesday, January 19, 2011

Ang Fiesta sa amin ๐Ÿ˜Š

Im back!! ... after a week na di nagsusulat.. namiss ko bigla :) Hmm medyo naging busy narin kasi Fiesta samin last sunday.. bago ko simulan ang mahaba haba kong sentimyento.. hahaha batiin ko lang yung lugat namin ng "Happy Fiesta!! Viva sr. sto Nino"..

Happy Fiesta :)
Sobrang stressed, dissapointed, nakakafrustrate at sobrang inis ang naramdam naming lahat...  WHY? ... dahil narin sa mga SPOILER ng barangay namin :( sobrang galit lahat ang nararamdaman namin para sa kanya..... magwala ba naman sa pageant namin!! tsak!! mabuti nalang at natapos na namin yung mga parlor games namin ... hay...Bakit nga ba ako nang gagalaiti sa inis!! well ganito kasi yun, dahil narin nga sa fiesta sa aming lugar eh naisipan naming magbabarkada na magsagawa ng isang project which is yung Ms. Gay pageant at ginawa naming Ms. Shembot.

Ang mga kalahok ay ang mga barako naming friends, mga tropa kong boyz [parang just for fun lang at magbigay ng kasiyahan sa mga kapitbahay namin.] Sa tagal naming itong pinalano yung programang iyon, isipin nyo: Christmas palang pinaplano na namin yun :( tapos lumipas na ang pasko at new year.. fiesta na ... all set  at lahat nakagayak na... bigala ba naman umiksena ang isang kapitbahay!!! 

Grrrr!!! [naka-inom kasi kaya feeling nya siya ang BIDA!!].. So ayun na nga.. ok na sana eh madaming nanunuod.. daming humahanga, ang daming tumatawa :) first time ba naman naming gawin yun dito sa lugar namin :) ... Eto na si kapitbahay... gumitna at nagwala sa harap ng maraming tao..!! :( nakakasad dahil sinira niya yung programa namin na ang tagal tagal naming pinaghandaan :( sobrang kainis!!! Dahil narin sa nangyari napagdesisyunan na hindi nalng ituloy yung programa dahil narin sa sobrang tensyon at hindi pa umuuwi yung mga taong sanhi ng kaguluhan... hanggang sa maghating gabi na ay nasa kalsada pa rin yung tao na yun at nagwawala.. tsak!!! hay buhay, nilalagay kasi sa ulo yung iniinom hindi sa tiyan!! mga pasaway!!


Anyway : sa happy side naman ang isshare ko :) sobrang saya nalng kasi bawi naman kami sa mga parlor games.. sobrang masasaya yung  mga bata at kami rin :) Patok na patok sa mga kapitbahay hahaha :) Dahil nga rin sa sobrang pinaghandaan namin ang fiestang ito... ang mga tropa ko haha gumawa pa si mang erning [picture above].  tinatawag namin siyang Mang erning hahaha :) kaya sobarng patok ang parlor games namin... tuwang tuwa yung mga bata. Acctually lagi namn naming ginagawa yan eh... after gawin ang banderitas eh gumagawa rin kami ng mascot :) nilagyan pa ng RH hahaha :) kaya nga nakakafrustrate kasi sa nangyari eh :( Kahit hindi ganun kadami yung handa namin masaya prin [picture below] : Pansit. morkon, salad, at menudo.... yun ang pinaka handa namin :) sobrang sarap at sobrang busog :)  ako kaya nagluto ng mga yan hahaha :) Di ko na nga naramdaman ang guto dahil narin sa busy sa mga palaro :) yung mga bata parang walang kapaguran at lahat gusto manalo.. Mabuti nalng at madami daming sponsor hahaha




Ang mga yummy naming handa ;) .. Ayan Tapos na ang pasko, new year at ang fiesta... tuloy tuloy nanaman ang buhay .... medjo matagal nanaman ang susunod na holiday... :(  ang saya saya  sana next  fiesta makagawa ulit kami ng Ms. Shembot!! :) hanggang sa susunod hehe


No comments:

Post a Comment