travelads

Monday, December 6, 2010

Enjoying Juan for all Sugod Bahay Gang!! :)

Well! Sino nga ba ang hindi nakakaalam ng segment na Juan for All Sugod Bahay Gang ng GMA7 😃 Malamang sa hinde eh yung mga taong walang TV lang ata hehehe or siguro yung mga avid fan ng kapamalya. Super saya at gusto ko isigaw na "PUMUNTA sila sa barangay namin!!" 

Yung  Banner nila :( sad natakpan yung InBoX na ginawa ko :)

Why ko nga ba ito ang topic ko??.  Hehe simple lang naman!.. Syempre na-experienced ko eh ang saya saya pala talga!:) Imagine napapanood ko lang sila sa TV tapos biglang barangay na pala namin ang susugurin nila.  GEEEz! nakita ko na si Wally at Jose sa personal [yun nga lang kasi,wala si princess PAOLO :)]. Come to think of it, Ako as in ako ha!! nakikisigaw ng... Wally!!! Wally!!! tsaka Jose!! Josee!!  hahaha di ko lubos maisip :) haha but it was soooo fun!!! lalo na sila JOSE!!! and when I saw those macho papa na sila tungkab and foundation sobrang hiyawan sila mga kapitbahay ko LOL :) So gwapo !!! Sa gitna sila ng kalsada at sobrang swerte narin namin dahil dumaan sila mismo sa tapat ng bahay namin **giggles!!! at nataon pa na kapitbahay din namin yung mapalad na tinawagan ni bossing :) sobrang dami ng tao, grabe as in, at sa sobrang dami nila hindi ko na nga kilala yung mga iba.. mga dumayo pa mula sa kalapit na barangay namin :)

ang mga Sugod bahay gang!!

Actually taping lang yung nangyari at ipapalabas pa sxa sa Dec 23.. Dahil nga magDedecember at madaming holiday kaya siguro taping ang nangyari kaya feeling ko lahat scripted eh hahaha pero sobrang enjoy ko at kahit hindi nabunot ang linya namin eh nakakuha namn ako ng tumataginting na 500 petot kaya ok lang.. at syempre bwenas narin at nakita ko sina wally at jose nakakatuwa sila talga.

[FYI: for those who don't know about the games eto po yung nag-lalatag sila ng mga numbers sa kalsada (pictures below) and bubunot sila ng mananalo pero you have to bring something like plastic bottles and stuff na hinihingi nila :)good thing about it, is that you will get 500 pesos even if hindi natawag yung number mo :) Ang saya dib!

sa tapat ng bahay :) we are all excited to step on those numbers!!


sobrang parami ng parami ang tao!!dagat-dagatang tao hehe


Sobrang patok talaga ang Juan for all, Sugod bahay na segment na ito para sa mga masa :) I am not an avid fan of both stations mapa 2 or 7 man kasi minsan lang din naman ako nanunuood ng tv kung dayoff ko at walang pasok kaya namn tuwang tuwa ako na makita ito sa personal at talagang nakukuha nito ang aking interes na panoori pa sila lalo 😊 

Talaga namang nakakatuwa sila wally at jose 😂 kaya sobrang inaabangan ko talaga sila sa eat bulaga :). Nakapag bibigay pa sila ng pag-asa sa mga mamamayang pilipino. Sa dami ng umaasam na mabigyan ng pagakakataon na kagaya nito laking tulong talaga.. sa prize palang tabong-tabo ka na :) lalo na ngayon maagang pamasko ito :). Iniisip ko nga, sila kaya yung pumipili ng mga nananalo?.. kasi natataon na laging natatawagan eh yung talagang nangangailangan :). Syempre hinahangad din naman namin na bunot kami sa tatawagan pero dahil nga sa mas may higit pang nangangailangang kesa sa amin eh masaya narin kami 😉 okey lang kasi, ang madalaw lang kami ng Juan for all ay sobrang saya na!!!!

Sana mabisita rin kayo ng Juan for all at maexperience nyo ang saya!



🌼Support donation🌼

 Running a blog & Youtube takes a lot of time, money and effort. Become a part of a selfless patron by buying me a coffee ☕ or sponsoring a post is really a big help! Your support is highly appreciated and it really means a lot to me. I DO Thank you :)



1 comment:

  1. nakapunta na po samin sa barangay namin sa brgy. santo angel sur, santa cruz laguna ang swerte po na yung kapitbahy po namin ang nabunot sa baba ng bahay namin at sobrang saya nakita ko pa ng personal si Maine Mendoza, Paolo Ballesteros at si Wally Bayola ang date po ay august 22, 2018 search nyo pa po sa youtube totoo daminfg nagpuntahan pati taga calamba laguna nagpuntahan po kaya sobrang saya ng experience na pinuntahan kami ng Juan For All, All For Juan

    ReplyDelete