travelads

Tuesday, November 30, 2010

YES! December 1 na...!! pasko Na!!

Grabe noh!, ang bilis talaga ng panahon!.. Di nalang natin namamalayan New Year na ang sinecelebrate natin! noh!!! Masaya dahil sa darating na ang kapaskuhan.. sagana nanaman sa masasarap na pagkain na minsan lang hinahanda tuwing may okasyon..yes!! makakakain nanaman ng letchon hehe :D (yun, eh kung may lechon na handa!! sa hirap ng buhay ngayon ang lechon magiging pritong manok nalng muna hehehe)... well, ganun pa man...ano pa nga ba masasabi ko kundi.. "Welcome!! Calories and fats!! welcome back again!!!hehehe"

with my pinsan vherlia at naneth
Sorang isip na nga kami kung anong pagkain ang aming ihahanda para sa aming noche buena.. as if ako lang naman ang magluluto!! :) Kahit alam kong hindi maganda ang darating kong pasko.. dahil narin sa inaantay nilang tao (ineexpect bang impkto na darating ng x-mas... sobrang dissappointed na nga ako...at alam ko hindi parin nila matanggap hehe :) )

Anyway ganun  talaga.... sana maging masaya nalang ako sa pasko... :) alam ko kaya ko naman yun!! ang maging masaya... IInom lang katapat nun hehe :) sa dami kong pinsan tiyak lamang na magiging masaya ang pasko ko!! Laman nanaman kami ng kalsada hanggang mag-umaga :). Parang nakagawian na namin kasi yun, ang magpaumaga sa tapat ng bahay namin tuwing ika-24 ng gabi  hanggang sa umaga ng abente sinko 25 mismong araw ng pasko..:) Kami-kaming magpipinsan.. after magnoche buena sa mga bahay, lalabas kami at magdadala ng kanya-kanya naming handa sa bahay :). Last year nga naalala ko, hindi lang dalawang pansit yung naglabas samin eh kasi pare-pareho lang naman kasi ang handa :) hahaha tapos parehong may lumpiang shanghai at walang kasawaang spag!! hahaha :) sobrang buSOG!! samahan pa ng kahong-kahong RH :)

[picture below] last Dec lang yan... :) kita naman pala sa date hehe :). Sabi kasi nila last christmas ko na daw yan sa pinas eh..:( well hindi pa pala nagkamali sila ng iniisip haha ako pa!! matitiis ko ba naman sila. Kaya sa pasko malamang sa hindi,wala nanamang aabsent sa mga kolokoys kong mga pinsan yung kinagawian... tambay sa labas.. :) lalo na ngayon na may pakulo pa silang t-shirt na ginawa.. excited na ko..:) sana mas masaya at mas higit na masaya... !!!
Last year night of Dec24 with kapinsanan :)
Alam ko na lahat tayo ay may kanya-kanyang kwento at kanya-kanyang paraan kung paano sinecelebrate ng masaya ang pasko..:) iba talaga tayong mga pinoy kung saan ginagawa nating mas lalong memorable ang bawat paskong dumarating :). Kami, ganito ang paraan namin... siguro nga dahil sa nagkakasundo kaming mga magpipinsan at di nalalayo yung mga edad namin kaya click!! hehe :) so mga pinsan kita kits sa tambayan!!!!



🌼Support donation🌼

 Running a blog & Youtube takes a lot of time, money and effort. Become a part of a selfless patron by buying me a coffee ☕ or sponsoring a post is really a big help! Your support is highly appreciated and it really means a lot to me. I DO Thank you :)



No comments:

Post a Comment