Likas talaga sa ating mga pinoy ang maghanda tuwing may okasyon ๐ mapa-birthday, reunion, anniversary, fiesta at isama na ang pasko at bagong taon. Sa dami-dami nga nating fiesta mapa-ibang lugar man sa pilipinas ay tiyak na mabubusog ka sa mga tradisyunal na mga pagkain na kalimitan nating inihahanda sa hapagkainan. Sadyang hindi talaga ako maka move-on sa mga pagkain noh ๐ makita ko lang ang mga larawan ay natatakam na ako.
Likas talaga sa ating mga pinoy ang maghanda tuwing may okasyon ๐ mapa-birthday, reunion, anniversary, fiesta at isama na ang pasko at bagong taon. Sa dami-dami nga nating fiesta mapa-ibang lugar man sa pilipinas ay tiyak na mabubusog ka sa mga tradisyunal na mga pagkain na kalimitan nating inihahanda sa hapagkainan. Sadyang hindi talaga ako maka move-on sa mga pagkain noh ๐ makita ko lang ang mga larawan ay natatakam na ako.
Nakalakihan ko na rin kasi na naghahanda ang magulang ko tuwing may okasyon at gustong gusto ko tuwing sasapit ang buwan ng disyembre. Kahit hindi man magarbo ang mga handa at hindi ganon kamahal ang aming noche buena ay nagagawa parin namin maging masaya dahil narin sa salo-salo kaming buong pamilya na kumakain sa mahalagang araw na iyon. Hindi mawawala sa hapag kainan ang matatamis at ang masasarap ng ulam ๐
Sabi nga na kung bagong taon kailangan ang madaming handang bilog! haha. Huwag na huwag raw mawawala ang mga prutas na bilog, matamis at malalagkit.
[acctually nga, may tradisyon pa nga si mama na nilalagyan nya ng bigas yung kaldero namin para daw pag pasok ng taon eh hindi kami mawawalan ng kanin sa lamesa ๐].
Ang mama ko rin ay laging kinukumpleto ang prutas na bilog bilang simbulo ng pera kaya naman hindi mawawala samin ang mga prutas. Ang malalagkit na pagkain naman ay para daw maging matibay at hindi magkakahiwalay ang pagsasama naming pamilya. Matamis na pagsasamahan naman ang simbulo ng matamis na pagkain at syempre hindi mawawala ang Pansit! [for long life hahaha!].
Sobrang hitik na hitik talaga ang tradisyong pinoy mapa-pagkain man o anumang celebrasyon.
Matamis at masasarap na handa tuwing pasko at bagong taon๐ |
Kaya naman sadyang masaya kapag tayo ay nagcecelebrate ng anumang okasyon dahil kahit munting pagkain at munting tradisyon lang nakukuha nating maging masaya at memorable. Kaya naman ang mga bata laging inaantay ang pasko at bagong taon maging ang kanilang kaarawan dahil sa masaya na't marami pang masasarap pa ang pagkain. Ano handa nyo nung pasko at bagong taon? Alin sa mga handa nyo ang inyong paborito at talgang nakakatakam? Leave it on the comment section below guys! ๐
๐ผSupport donation๐ผ
Running a blog & Youtube takes a lot of time, money and effort. Become a part of a selfless patron by buying me a coffee ☕ or sponsoring a post is really a big help! Your support is highly appreciated and it really means a lot to me. I DO Thank you :)
No comments:
Post a Comment