Thursday, December 16, 2010

NeBer Get Old PinOY Movie

Kainis na sore eyes! Hindi tuloy ako makalabas ng bahay!! haiz, walang magawa kundi ang manood ng nalang ng TV. Since ang aga ko nagising at dahil narin sa problema kong mata napanood tuloy ako ng TV. Yung mga lumang pelikula na pinalalabas tuwing umaga, yung before eat bulaga :) hehehe. 

Nung nanunuood na ako ng pelikula sabi sa akin ng kapatid ko:

"Ate, anu ba yang pinanunuood mo si Palito ba yan? ang O.A ah!! may solo movie pala siya hehe.. oh!! sabi ko na ba eh.. huli nanaman yang mga pulis hahaha!". 


Well, natawa narin ako kasi totoo naman :) kaya ayun nauwi rin sa kwentuhan naming magkapatid yung pinanunuod namin :). As if my post today would be about pelikulang pinoy ๐Ÿ˜ƒ hahaha kakatuwa lang kasi pagsimulan ng kwento't usapan diba :') 

[hindi naman sa hindi ko gusto ang mga pelikulang pinoy ah!!!] 

Actually I ๐Ÿ’›LAB it pa nga kasi hindi naluluma. Marami ring mga pelikulang luma ang nagustuhan ko :) kahit nga comedy eh haha matatawa pa ko kasi natural lang yung mga jokes :) Anyway, back again on my blog :) guys, nabasa ko rin lang yung ibang info sa isang blog dati eh pero pipili lang ako yung tipong pasok sa banga sa katotohanan LOL :D Alam ko nakakarelate kayo.. tama diba?.. Pinoy ka kung alam mo ang mga sinasabi ko hehe

Top signs of a Pinoy kinda funny flick hehe aminin :)

1.  Naka-leather jacket lagi ang kontrabida kahit tanghaling tapat LOL si Palito sa pinanood ko na movie naka leather jacket  :) haha click na click itong #1 ah! :) 

2. Laging nakakarinig ng “putok ng baril” ang kontrabida kaya natitigilan siya sa pag-rape sa leading lady. Dialogue niya, “Anong putok yun?! Halughugin ang buong lugar!” hahaha halughugin ang paligid kasi dumating na yung bida :) .. bakit kaya kung kelang susugod ang bida duoon palang nila pinaplano yung gagawin nila haha natataon ba yun? :)

3. Kahit first time lang makahawak ng baril ang leading lady ay asintado ito sa barilan. Partida nakapikit pa yun or di nakatingin sobrang kakatwa haha

4. Kahit miyembro ng malaking sindikato at milyones ang kita nila, asahan mong bulok ang getaway car nila (muscle car na Mitsubishi o Toyota dahil pasasabugin yun ng mahiwagang baril ng bida) kahit naman ngayon pasabugin cars nga tawag namin dun eh hehe :) 

5. Napakalakas ng bida at kayang sugurin ang 30 miyembro ng sindikato kahit mag-isa lang siya. take note pa! ang dalang baril ng bida eh 3 piraso lang hahaha :) bilang kasi yung bala nung baril at kasya lang sa lahat ng kalaban nya kaya dapat walang sayang LOL :D 

6. Laging may music video hahaha as if hindi mawawala ang music video ng bidang lalaki at bidang babae :)

7. Laging sa kaliwang braso ang tama ng bida pag nababaril (bawal sa ulo o sa puso) syempre bawal mamatay ang bida :) 

8. Laging sa abandonadong building o lumang tambakan ng bus ang hideout ng kalaban (instruction niya lagi na huwag mag-sama ng pulis ang bida)syempre para malawak ang venue ng habulan hahaha :) 

9. Maluwag ang pagkakatali sa bihag ng sindikato kaya nakakawala ito at nakakakuha ng pambambo/pamalo (tsinelas o dos-por-dos na gawa sa styrofoam). Bakit kaya hindi nila i-try na gumamit ng posas ng pulis :) 

10. Gasgas na gasgas na ‘to: Huling darating ang mga pulis para damputin ang mga kalaban. Kakausapin ang bida para magbigay ng pabuya hahaha as if di na bago yun ๐Ÿ˜‰ hahaha

Hehe nakakatawa lang sobrang patok na patok talaga at sobrang pasok sa banga yung mga ito haha :). Naalala ko pa nga minsan kung kailan may pagkakataon na ang goons na patayin ang bida eh hindi parin nya ginawa kasi may dialogue pa syempre.. haha :). 

Alam ko lahat tayo may ganitong eksena nang napanood sa pelikula aminin!! hehehe at minsan nga kahit kauupo palang natin sa sinehan at hindi pa umiinit ang mga puwet natin sa upuan alam na kagad natin ang ending LOL...  Sa panahon ngayon marami narin namang nagbago :) kahit paano nageevolved narin ang mga pelikula natin :) Sadyang parte na talaga ng ating buhay ang mga ganung palabas at kaakibat na ng ating kamusmusan at kabataan :) Pinoy ka kung alam mo ang mga  lumang pelikung pinoy hehehe :) ako pa, Eh ang tatay ko laging nanunuod ng ng mga lumang pelikula lalo na kung FPJ pa yan LOL pag si da king na ang palabas.. tiyak di namin malilipat ang channel hahaha :) Alam ko kayo rin naiisip ang mga bagay na nasulat ko hahaha kasi totoo naman diba?.. hahaha

magandang gabi :)



๐ŸŒผSupport donation๐ŸŒผ

 Running a blog & Youtube takes a lot of time, money and effort. Become a part of a selfless patron by buying me a coffee ☕ or sponsoring a post is really a big help! Your support is highly appreciated and it really means a lot to me. I DO Thank you :)



No comments:

Post a Comment