Nung nanunuood na ako ng pelikula sabi sa akin ng kapatid ko:
"Ate, anu ba yang pinanunuood mo si Palito ba yan? ang O.A ah!! may solo movie pala siya hehe.. oh!! sabi ko na ba eh.. huli nanaman yang mga pulis hahaha!".
Well, natawa narin ako kasi totoo naman :) kaya ayun nauwi rin sa kwentuhan naming magkapatid yung pinanunuod namin :). As if my post today would be about pelikulang pinoy 😃 hahaha kakatuwa lang kasi pagsimulan ng kwento't usapan diba :')
[hindi naman sa hindi ko gusto ang mga pelikulang pinoy ah!!!]
Actually I 💛LAB it pa nga kasi hindi naluluma. Marami ring mga pelikulang luma ang nagustuhan ko :) kahit nga comedy eh haha matatawa pa ko kasi natural lang yung mga jokes :) Anyway, back again on my blog :) guys, nabasa ko rin lang yung ibang info sa isang blog dati eh pero pipili lang ako yung tipong pasok sa banga sa katotohanan LOL :D Alam ko nakakarelate kayo.. tama diba?.. Pinoy ka kung alam mo ang mga sinasabi ko hehe
1. Naka-leather jacket lagi ang kontrabida kahit tanghaling tapat LOL si Palito sa pinanood ko na movie naka leather jacket :) haha click na click itong #1 ah! :)
2. Laging nakakarinig ng “putok ng baril” ang kontrabida kaya natitigilan siya sa pag-rape sa leading lady. Dialogue niya, “Anong putok yun?! Halughugin ang buong lugar!” hahaha halughugin ang paligid kasi dumating na yung bida :) .. bakit kaya kung kelang susugod ang bida duoon palang nila pinaplano yung gagawin nila haha natataon ba yun? :)
3. Kahit first time lang makahawak ng baril ang leading lady ay asintado ito sa barilan. Partida nakapikit pa yun or di nakatingin sobrang kakatwa haha
4. Kahit miyembro ng malaking sindikato at milyones ang kita nila, asahan mong bulok ang getaway car nila (muscle car na Mitsubishi o Toyota dahil pasasabugin yun ng mahiwagang baril ng bida) kahit naman ngayon pasabugin cars nga tawag namin dun eh hehe :)
5. Napakalakas ng bida at kayang sugurin ang 30 miyembro ng sindikato kahit mag-isa lang siya. take note pa! ang dalang baril ng bida eh 3 piraso lang hahaha :) bilang kasi yung bala nung baril at kasya lang sa lahat ng kalaban nya kaya dapat walang sayang LOL :D
6. Laging may music video hahaha as if hindi mawawala ang music video ng bidang lalaki at bidang babae :)
7. Laging sa kaliwang braso ang tama ng bida pag nababaril (bawal sa ulo o sa puso) syempre bawal mamatay ang bida :)
8. Laging sa abandonadong building o lumang tambakan ng bus ang hideout ng kalaban (instruction niya lagi na huwag mag-sama ng pulis ang bida)syempre para malawak ang venue ng habulan hahaha :)
9. Maluwag ang pagkakatali sa bihag ng sindikato kaya nakakawala ito at nakakakuha ng pambambo/pamalo (tsinelas o dos-por-dos na gawa sa styrofoam). Bakit kaya hindi nila i-try na gumamit ng posas ng pulis :)
10. Gasgas na gasgas na ‘to: Huling darating ang mga pulis para damputin ang mga kalaban. Kakausapin ang bida para magbigay ng pabuya hahaha as if di na bago yun 😉 hahaha
magandang gabi :)
🌼Support donation🌼
Running a blog & Youtube takes a lot of time, money and effort. Become a part of a selfless patron by buying me a coffee ☕ or sponsoring a post is really a big help! Your support is highly appreciated and it really means a lot to me. I DO Thank you :)