travelads

Friday, December 31, 2010

WelCome 2011!!!!! Lets Hug hehehe :)

I write this with an hour to the next year...

WELCOME 2011!!!!

With all the tragedies it may be my own personal or national phenomena that struck us the past year, there is no other way but to welcome 2011 with smile and big hope on us. I wish that all of us would get what we dream and wish for this coming year!!! especially me 😭 .... whether it be having good health, achieving financial stability, being successful in life, job search, having a happy family (soon) or just simply having a better year! 

Here's to a better year for ALL of us! and yes! to world peace

Happy new year everyone!

Sunday, December 26, 2010

**A meRry Merry Christmas to me**

How fast time flies!!!Grabe noh,we have been preparing and excited for christmas…and now it has passed. New year and fiesta is up next on the list! [well, next year pa naman yung fiesta,kasi january yung patron namin Viva Sr. Sto Nino!! :)]So many great memories for Christmas this year :)…how fun it was and how happy I was with all the gatherings with my family and friends!! Parang nung isang araw lang ... ang dami-daming bata!! Na nagkakaroling!! pagtapos ng isang grupo may another group nanaman na susunod hahaha sobrang sakit na nga ng lalamunan ko kakasabing "PATAWAD, BALIK NALANG SA PASKO!! hahaha" (salamat nga di ako nasasabihang "Ang babarat ninyo haha"). Pinipili ko lang kasi yung mga batang binibigyan ko haha :) napaka-mean ko ba? hehe :). Hindi naman :), kasi I just concentrated on giving away goddies (candies) because it seemed that those small children appreciated these more kesa sa mga matatanda nang nagkakaroling diba haha :) .

As what i wrote last time diba ,were planning about the t-shirt we wanted .. thanks god kasi natapos din yung printing at naibigay samin before christmas. Good thing is that kakilala pa namin yung nagpprint hehe:) and nung christmas eve nga suot namin lahat hahaha :) [picture below]

my t-shirt .. with my name on it :) Highlight yellow haha!

Ang saya nga ng mga pinsan ko... Dama!!haha  dama sa tulog...as in umaapaw da sa pumapadyak na RH.. matira matibay daw! :). Asual yung tamang trip nanamam namin na walang tulugan every Dec.24  :) sobrang enjoy kasi naglalagay pa nga kami ng box sa kalsada with matching shembot dance pa ng mga pinsan ko magcaroling lang daw sila libre show haha :)

Bungad Boys daw

Here we are, enjoying the night kasi may t-shirt kami haha :). Kinabukasan pasko na!! parang salubong lang haha :). Guess what! ang tititbay nila gising pa hanggang kinabukasn.. as if naman... natulog naman ako hahaha mga around 3 am [Hindi kinaya ng kape lang eh!!] ..

Dec. 25 christmas day!! dahil late na natulog late na din nagising hahaha :). Nagising ako mga past 12 na grabe noh!! yung mga inaanak ko pala ilang bese na pumunta sa bahay  kakahanap sakin LOL kasi tulog pa ko haha.. eh  mom ko naman di binibigay yung gift kasi baka daw magtaka ako.. kaya nung magising ako grabe nakita nila ko kagad ha... hahaha:D
Sobrang wow, I cooked food for the noche buena namin... walang kasawaang SPAG!! and shanghai hmmm typical handa every christmas... at ang di maperfect perfect na Tiramisu ko na grham :( hahaha kung hindi sobrang dami ng graham na parang biscuit na, or nasobrang daming gatas na parang salad graham na hahaha ngayon naman di nanaman nabuo haiz!! but still naubos naman siya hehe :) Natural Christmas is sharing nga daw so kanya kanyang labas ng handa..... puro SpaG hahaha iba iba nga lang Red and white.... plus mga Fatty food hehe :)

Its really a merry merry Christmas for me :) hindi ko ito mararanasan kung nasa ibang lupalop ako ng daigdig.. :) sobrang ang saya ng pasko natin .. talagang hahanap hanapin  nyo.. hindi lang sa mga regalong natatanggap natin, mga masasarap na handa natin, kung magkano ang aguinaldo na nakukuha natin... kundi ang  feeling na magakakasama ang buong pamilya at makita ang mga taong malalapit sa puso natin :)... Kasama narin ang pagsimba at pagpupugay kay Jesus na siyang dahilan kung bakit tayo ay nagsisiya :)

MAligayang pasko sa inyong lahat!!!!!

Thursday, December 16, 2010

NeBer Get Old PinOY Movie

Kainis na sore eyes! Hindi tuloy ako makalabas ng bahay!! haiz, walang magawa kundi ang manood ng nalang ng TV. Since ang aga ko nagising at dahil narin sa problema kong mata napanood tuloy ako ng TV. Yung mga lumang pelikula na pinalalabas tuwing umaga, yung before eat bulaga :) hehehe. 

Nung nanunuood na ako ng pelikula sabi sa akin ng kapatid ko:

"Ate, anu ba yang pinanunuood mo si Palito ba yan? ang O.A ah!! may solo movie pala siya hehe.. oh!! sabi ko na ba eh.. huli nanaman yang mga pulis hahaha!". 


Well, natawa narin ako kasi totoo naman :) kaya ayun nauwi rin sa kwentuhan naming magkapatid yung pinanunuod namin :). As if my post today would be about pelikulang pinoy 😃 hahaha kakatuwa lang kasi pagsimulan ng kwento't usapan diba :') 

[hindi naman sa hindi ko gusto ang mga pelikulang pinoy ah!!!] 

Actually I 💛LAB it pa nga kasi hindi naluluma. Marami ring mga pelikulang luma ang nagustuhan ko :) kahit nga comedy eh haha matatawa pa ko kasi natural lang yung mga jokes :) Anyway, back again on my blog :) guys, nabasa ko rin lang yung ibang info sa isang blog dati eh pero pipili lang ako yung tipong pasok sa banga sa katotohanan LOL :D Alam ko nakakarelate kayo.. tama diba?.. Pinoy ka kung alam mo ang mga sinasabi ko hehe

Top signs of a Pinoy kinda funny flick hehe aminin :)

1.  Naka-leather jacket lagi ang kontrabida kahit tanghaling tapat LOL si Palito sa pinanood ko na movie naka leather jacket  :) haha click na click itong #1 ah! :) 

2. Laging nakakarinig ng “putok ng baril” ang kontrabida kaya natitigilan siya sa pag-rape sa leading lady. Dialogue niya, “Anong putok yun?! Halughugin ang buong lugar!” hahaha halughugin ang paligid kasi dumating na yung bida :) .. bakit kaya kung kelang susugod ang bida duoon palang nila pinaplano yung gagawin nila haha natataon ba yun? :)

3. Kahit first time lang makahawak ng baril ang leading lady ay asintado ito sa barilan. Partida nakapikit pa yun or di nakatingin sobrang kakatwa haha

4. Kahit miyembro ng malaking sindikato at milyones ang kita nila, asahan mong bulok ang getaway car nila (muscle car na Mitsubishi o Toyota dahil pasasabugin yun ng mahiwagang baril ng bida) kahit naman ngayon pasabugin cars nga tawag namin dun eh hehe :) 

5. Napakalakas ng bida at kayang sugurin ang 30 miyembro ng sindikato kahit mag-isa lang siya. take note pa! ang dalang baril ng bida eh 3 piraso lang hahaha :) bilang kasi yung bala nung baril at kasya lang sa lahat ng kalaban nya kaya dapat walang sayang LOL :D 

6. Laging may music video hahaha as if hindi mawawala ang music video ng bidang lalaki at bidang babae :)

7. Laging sa kaliwang braso ang tama ng bida pag nababaril (bawal sa ulo o sa puso) syempre bawal mamatay ang bida :) 

8. Laging sa abandonadong building o lumang tambakan ng bus ang hideout ng kalaban (instruction niya lagi na huwag mag-sama ng pulis ang bida)syempre para malawak ang venue ng habulan hahaha :) 

9. Maluwag ang pagkakatali sa bihag ng sindikato kaya nakakawala ito at nakakakuha ng pambambo/pamalo (tsinelas o dos-por-dos na gawa sa styrofoam). Bakit kaya hindi nila i-try na gumamit ng posas ng pulis :) 

10. Gasgas na gasgas na ‘to: Huling darating ang mga pulis para damputin ang mga kalaban. Kakausapin ang bida para magbigay ng pabuya hahaha as if di na bago yun 😉 hahaha

Hehe nakakatawa lang sobrang patok na patok talaga at sobrang pasok sa banga yung mga ito haha :). Naalala ko pa nga minsan kung kailan may pagkakataon na ang goons na patayin ang bida eh hindi parin nya ginawa kasi may dialogue pa syempre.. haha :). 

Alam ko lahat tayo may ganitong eksena nang napanood sa pelikula aminin!! hehehe at minsan nga kahit kauupo palang natin sa sinehan at hindi pa umiinit ang mga puwet natin sa upuan alam na kagad natin ang ending LOL...  Sa panahon ngayon marami narin namang nagbago :) kahit paano nageevolved narin ang mga pelikula natin :) Sadyang parte na talaga ng ating buhay ang mga ganung palabas at kaakibat na ng ating kamusmusan at kabataan :) Pinoy ka kung alam mo ang mga  lumang pelikung pinoy hehehe :) ako pa, Eh ang tatay ko laging nanunuod ng ng mga lumang pelikula lalo na kung FPJ pa yan LOL pag si da king na ang palabas.. tiyak di namin malilipat ang channel hahaha :) Alam ko kayo rin naiisip ang mga bagay na nasulat ko hahaha kasi totoo naman diba?.. hahaha

magandang gabi :)



🌼Support donation🌼

 Running a blog & Youtube takes a lot of time, money and effort. Become a part of a selfless patron by buying me a coffee ☕ or sponsoring a post is really a big help! Your support is highly appreciated and it really means a lot to me. I DO Thank you :)



Monday, December 6, 2010

Enjoying Juan for all Sugod Bahay Gang!! :)

Well! Sino nga ba ang hindi nakakaalam ng segment na Juan for All Sugod Bahay Gang ng GMA7 😃 Malamang sa hinde eh yung mga taong walang TV lang ata hehehe or siguro yung mga avid fan ng kapamalya. Super saya at gusto ko isigaw na "PUMUNTA sila sa barangay namin!!" 

Yung  Banner nila :( sad natakpan yung InBoX na ginawa ko :)

Why ko nga ba ito ang topic ko??.  Hehe simple lang naman!.. Syempre na-experienced ko eh ang saya saya pala talga!:) Imagine napapanood ko lang sila sa TV tapos biglang barangay na pala namin ang susugurin nila.  GEEEz! nakita ko na si Wally at Jose sa personal [yun nga lang kasi,wala si princess PAOLO :)]. Come to think of it, Ako as in ako ha!! nakikisigaw ng... Wally!!! Wally!!! tsaka Jose!! Josee!!  hahaha di ko lubos maisip :) haha but it was soooo fun!!! lalo na sila JOSE!!! and when I saw those macho papa na sila tungkab and foundation sobrang hiyawan sila mga kapitbahay ko LOL :) So gwapo !!! Sa gitna sila ng kalsada at sobrang swerte narin namin dahil dumaan sila mismo sa tapat ng bahay namin **giggles!!! at nataon pa na kapitbahay din namin yung mapalad na tinawagan ni bossing :) sobrang dami ng tao, grabe as in, at sa sobrang dami nila hindi ko na nga kilala yung mga iba.. mga dumayo pa mula sa kalapit na barangay namin :)

ang mga Sugod bahay gang!!

Actually taping lang yung nangyari at ipapalabas pa sxa sa Dec 23.. Dahil nga magDedecember at madaming holiday kaya siguro taping ang nangyari kaya feeling ko lahat scripted eh hahaha pero sobrang enjoy ko at kahit hindi nabunot ang linya namin eh nakakuha namn ako ng tumataginting na 500 petot kaya ok lang.. at syempre bwenas narin at nakita ko sina wally at jose nakakatuwa sila talga.

[FYI: for those who don't know about the games eto po yung nag-lalatag sila ng mga numbers sa kalsada (pictures below) and bubunot sila ng mananalo pero you have to bring something like plastic bottles and stuff na hinihingi nila :)good thing about it, is that you will get 500 pesos even if hindi natawag yung number mo :) Ang saya dib!

sa tapat ng bahay :) we are all excited to step on those numbers!!


sobrang parami ng parami ang tao!!dagat-dagatang tao hehe


Sobrang patok talaga ang Juan for all, Sugod bahay na segment na ito para sa mga masa :) I am not an avid fan of both stations mapa 2 or 7 man kasi minsan lang din naman ako nanunuood ng tv kung dayoff ko at walang pasok kaya namn tuwang tuwa ako na makita ito sa personal at talagang nakukuha nito ang aking interes na panoori pa sila lalo 😊 

Talaga namang nakakatuwa sila wally at jose 😂 kaya sobrang inaabangan ko talaga sila sa eat bulaga :). Nakapag bibigay pa sila ng pag-asa sa mga mamamayang pilipino. Sa dami ng umaasam na mabigyan ng pagakakataon na kagaya nito laking tulong talaga.. sa prize palang tabong-tabo ka na :) lalo na ngayon maagang pamasko ito :). Iniisip ko nga, sila kaya yung pumipili ng mga nananalo?.. kasi natataon na laging natatawagan eh yung talagang nangangailangan :). Syempre hinahangad din naman namin na bunot kami sa tatawagan pero dahil nga sa mas may higit pang nangangailangang kesa sa amin eh masaya narin kami 😉 okey lang kasi, ang madalaw lang kami ng Juan for all ay sobrang saya na!!!!

Sana mabisita rin kayo ng Juan for all at maexperience nyo ang saya!



🌼Support donation🌼

 Running a blog & Youtube takes a lot of time, money and effort. Become a part of a selfless patron by buying me a coffee ☕ or sponsoring a post is really a big help! Your support is highly appreciated and it really means a lot to me. I DO Thank you :)