dekada 80 's & 90's : panahon ng kamusmusan at kasiyahan
8 years old kids today have Facebook, Twitter, Ipods and Iphones. Ako, when I was 8, I only had coloring books and brickgame :) sobrang laki ng pinagkaiba. Sobrang proud ako na isa ako sa mga tinatawag na 80's baby. Ang panahon na kung saan di pa nauuso ang mga iphone, computer at kung ano ano pang mga hightech na gamit na meron ngayon.
Panahon na kung saan ang mga kabataan ay napaka simple at payak ang kamusmusan. Walang alam gawin kundi ang maglaro sa kalye at maligo pag malakas ang ulan habulin ni nanay ng tsinels at tambo kapag makulit. Ano bang meron nung 80's hmmm yun lang naman yung panahon na kung saan ikaw ay IN kung meron kang padded blouse, New wave, naninigas ang buhok mo sa spaynet, jumper at nakikipag telebabad ka sa telepono :) at kumpleto mo ang pocketbook ni martha cecila hahaha joke!!
Naaalala ko nga, sobrang hilig ko maglaro sa kalye kasama ng mga kalaro ko na kasehodang tanghaling tapat basta makapaglaro lang ng patintero na laging agawan na maging patotot kasi lagi sa gitna ng guhit nakapwesto.. hehe, ang putbol na kampihan pa ang drama ๐, sudsod at piko na mapudpod na lahat lahat ng tsinelas basta enjoy parin. Ang chinese garter na pinagkabitkabit na goma, 10-20 na walang katapusan sa ka-tatalon. Ang taguan at luksong tinik, luksong baka, tumbang preso na habulan too the maximum level hanggang sa madapa dapa na at magkasugat ๐ hahaha nakakamiss din maging bata, lalo na yung mga panahon na nagtatago pa kami ng mga kapatid ko para di lang ma-utusan na bumili ng suka o mantika sa tindahan ๐ hahaha pati yung pangungulekta ng mga wrapper ng candy para gawing pera sa laro ng tansan.. Natatandaan ko nga na 5 piso ang balot ng stork candy dahil sa kulay nitong green, nanghihingi pa nga kami ng tansan ng beer o softdrinks para may pamato lang hahaha... nakakatuwa talagang balikan
Sino nga bang makakalimot sa larong ito:
Langit lupa impyerno, in..in.. in.. impyerno
saksak puso tulo ang dugo.. patay buhay alis ka na diyan..
o ang walang kamatayang laro na:
Nanay, Tatay gusto kong tinapay
Ate, Kuya gusto kong kape
lahat ng gusto ko ay susundin nyo
ang siyang magkamali at pipingutin ko...pipingutin ko sa tenga...
One, (clap) one, two (clap clap)
Dumating din yung panahon na nauso na ang holen,dampa na gamit eh goma.. yung salagubang na didikitan ng bubble gum kung pagsasabungin hahaha yung mangunguha ng gagambang bahay.. pagandahan pa sa gagamba kasi sikat ka pag malaki yung nakuha mo... manuod ng tv at mag-ipon ng teks.. hmm yung teks,, yung nabibili na maliit na papel na puro mga eksena sa pelikula yung nakalagay.. :P hahaha
sobrang nakakaaliw at nakakatuwa alalahanin yung panahon na tayo ay mga musmos palang :) Sa dami ng mga naging uso noon at ngayon siguradong di ko maiisa-isa at mapupuno lang ang papel at mauubos ang tinta :)
ang sarap maging bata.. ngayon sobrang mahal na ang intersest nag mga kabataan.. hehe internet,gadget,load at cable :) hehehe
๐ผSupport donation๐ผ
Running a blog & Youtube takes a lot of time, money and effort. Become a part of a selfless patron by buying me a coffee ☕ or sponsoring a post is really a big help! Your support is highly appreciated and it really means a lot to me. I DO Thank you :)
No comments:
Post a Comment