This review is something a little different from me because I find it kinda weird sharing it online on how I usually remove my underarm hair 😅 well, ganun namn talga na nakakahiya i-share pagdating sa ganitong mga bagay bagay diba? pero sabi nga nila pa-kapalan nalang ng mukha LOL!. I was recommended this product by a good friend of mine and decided to try it out since okey lang namn sakin ang mag wax ng kilikili so why not!. Nakapag-try ko nang mag wax ng buhok ko sa kilikili before using the veet waxing strips na nabibili sa mga mercury or sa watson (yung maliliit na parang pads). However, yung mga sticky strip waxes na nabili ko before eh hindi lahat gumana ng bongga sakin at masasabi kong hindi epektib. I find it just a waste of money. It didn't pull any hair at all and it leave a horrible sticky mess all over my underarm pa (ayaw ko pa namn ng may pagka malagkit sa feeling).
The box contains a 250ml jar of the wax, 12 fabric waxing strips, a spatula and an instruction leaflet. |
Aminin man natin sa hindi eh karamihan sa ating mga pinay ay mas gugustuhin pang gumamit ng tiyani (tweezer) or shaver sa pagtanggal ng buhok nila sa kilikili dahil ang pagwawax ay dagdag gastos lang esp sa mga salon eh may kamahalan rin kung tutuusin. So napabili na nga ako nitong Veet Oriental Wax. It is a home waxing kit na suitable gamitin sa ating mga binti, bikini line, braso, upper lip at higit sa lahat sa ating kilikili 😁 at nabili ko siya sa halagang 89 kr sa Lyko.se. Hindi lang sa makakatipid ka pa sa presyo kung bibili ka ng ganitong waxing kit dahil sa madami siyang laman na tatagal ng ilang buwan at laking tipid kesa punta ka pa sa salon para lang mag pawax.
The spatula actually has a great little feature - it has a small blue square temperature indicator on it (see picture above). The word 'No!' will appear if the wax is too hot. |
The blue square shows the word 'NO' if the wax is too hot to use. |
The wax comes in a screw top plastic pot na pwede mong initin sa microwave ng 60 seconds o kung wala naman kayong microwave eh pwede nyo naman itong ibabad sa mainit na tubig ng ilang minuto hanggang sa lumapot na ang wax. Ang isa sa magandang bagay sa veet wax na ito eh water soluble sya, so you can wash away any sticky mess after nyo syang gamitin dahil alam namn natin na ang pag wawax eh medjo makalat rin minsan esp kung hindi mo pa ito gamay gamitin 😜 (madali namn syang tanggalin!). It also contains essential oils na very effective for reducing skin discoloration, redness, irritation and even restoring your skin tone. Wala siyang hapdi at hindi rin siya makati sa balat. Mabango at madali ipahid sa balat gamit yung spatula.
yiikes! Taadah! showing off my kilikili! LOL! |
Madali lang namn ang mag-wax kung tutuusin sa simula ay talagang mahirap siya gamitin pero kapag nagamay mo na ang teknik ay magugustuhan mo na ring gawin ang method na ito kesa sa pagsshave ng kilikili. Sadyang pinapahaba ko muna nang ilang linggo ang buhok ko sa kilikili (picture above) para nang sa ganon ay madali itong kumapit sa wax at mabunot sila nang pantay pantay. Nilalagyan ko rin ng pulbo ang aking kilikili bago ko ipahid ang mismong wax nang sa ganon ay kumapit ng husto ang wax sa saking balat. Ang tanging napansin ko lang sa produktong ito ay mabili siyang matuyo at asahan rin na mabilis siyang lumamig kaya namn kung gagamitin nyo ang wax na ito ay kailangang kumilos ka rin kayo ng mabilis dahil kung hahayaan nyo siyang nakatiwang-wang ay mahirap na ulit-ulitin ulit na initin ito sa microwave o sa mainit na tubig.
Impressed namn ako sa product na ito at masasabi kong mabisa siyang gamitin kesa sa mga waxing strips na nabili sa mga grocery store (yung maliliit). Malaking tulong rin na water rinsable siya at madaling mahugasan ng tubig kung sakaling tumulo man sa sahig or sa inyong damit. Big plus rin na reusable at washable rin ang waxing strips na kasama hindi na kailangang intindihin kung sakaling maubos ang waxing strips, laking tipid talga nito para sa mga mahilig mag wax.
👉 Veet Essential Oils and Floral Vanilla Warm Oriental Wax Microwavable Jar 250ml | eBay
Yung wax itself namn ay mabango at madali ipahid, hindi siya yung tipong sobrang bango na super tapang na sa pang-amoy, hindi rin sxa amoy kemikal o amoy gamot. Kung mahilig kayo mag pa-massage or mag pa-SPA kung amoy ng ganung lugar ang maihahalintulad kong amoy sa wax na ito at kung pag babasehan ang dami ng wax ay talga namng hindi na kayo lugi at magagamit nyo pa ito ng ilang beses. Kung nag-iisip na kayong gumamit ng mga ganitong kit ay wag na kayong madalawang isip pa! i-try nyo narin at marerekomenda ko rin talga siya! konting practise lan talga sa simula at makikita nyo ang pinagkaiba ng nawax kesa sa na-shave LOL.
🌼Support donation🌼
Running a blog & Youtube takes a lot of time, money and effort. Become a part of a selfless patron by buying me a coffee ☕ or sponsoring a post is really a big help! Your support is highly appreciated and it really means a lot to me. I DO Thank you :)
No comments:
Post a Comment