Sunday, August 5, 2018

Power Adapter para sa Canon G7X MarkII nyo-(ACK-DC110)

Ikaw ba ay Youtube vlogger, beauty vlogger or photography enthusiast? Gamit mo rin ba ay Canon G7X Mark II kapag ikaw ay nag-vvlog or nag-fifilm ng mga beauty videos mo?



Kung ganon! Alam ko na naranasan mo na ring  malowbat ang iyong gamit na Camera habang kayo ay nagfifilm, tama ba ako?  Nakakainis hindi ba? Hindi lamang sa nauubos ang oras mo at pagod kundi, kailangan mo rin  munang i-charge muli ang iyong gamit na camera at antayin na mafull charge ito. Lalo na kung sa kasamaang palad eh wala kayong extra baterya para sa inyo camera.  Sobrang hassle noh!

Kung kagaya nyo akong mahilig mag film ng mga makeup reviews, tutorial at talking video sa inyong youtube channel. Ang blog post ko na ito ay para sa inyo. Kung ako ang inyo tatanungin, isa sa aking problema ay  ang baterya ng CANON G7X MARK II (malamang yung iba rin).  Alam namn natin na magandang klaseng Camera ang Canon G7X lalo na pagdating sa kalidad ng videos at pictures nito pero ang longevity ng battery nito ay hindi ganon kagandahan.(madali itong malowbat esp kung gagamitin nyo ito sa pag vivideo)

CANON ACK-DC110 AC Adapter Kit
Kaya namn naisipan kong maghanap ng power adapter na compatible sa aking Camera (CANON G7X MARKII) para ng sa gayon makapag film ako ng tuloy-tuloy na hindi ko na pinoproblema kung malowbatt man ang baterya nito. Kung baga mapapadali ang pag gamit ko dahil sa magiging direkta na mismong ikakabit sa plug ng ating kuryente. 

Laking tuwa ko talga nang makita ko sa Canon website na nagbebenta sila ng AC/DC coupler na compatible sa aking camera. Nagresearch ako tungkol sa mga reviews at at recommendation online. Nung nalaman ko na ito talga ang compatible sa G7X eh walang patumpik-tumpik binili ko kaagad online ang CANON ACK-DC110 AC Adapter Kit. ๐Ÿ‘ˆ (picture below)

For those who unfamiliar with ACK-DC 110 coupler, it replace the camera battery and enables  your camera to draw power directly from an AC power source via an AC adapter/power supply.
Ang presyo ng  CANON ACK-DC110 AC Adapter Kit ๐Ÿ‘ˆ ay nagkakahalaga ng  1,129.00 kr Swedish kronor. Kayo na po bahala na i-convert in peso at ang pakaka-alam ko na magkaiba namn ang presyo nito sa Pilipinas, kaya i-check nyo nlng po online ๐Ÿ˜‰




PAANO BA ITO GAMITIN AT ILAGAY SA INYONG CAMERA:

  1. Kailangan nyo lang ilagay yung baterya sa loob ng inyo Canon G7X na Camera
  2. Ilagay ang cord sa gilid para maisara nyo ang Battery/Memory Cover sa ilalim.
  3. I-connect nyo lang ang mga cord ng tama at pwede nyo itong i-plug sa inyong kuyente.
( Kung mapapansin nyo sa  gilid ng inyong Camera, mayroong  maliit plastik na pinto para sa daanan ng cord ng inyong adapter! Kailang nyo lang itong hilain pataas para mabuksan ito. See picture below.)
  1. There is a small rectangular elastic rubber flap on the bottom side of your camera. As we can see in the photo  below the flap is attached only on one side permitting it to pull upwards.
  2. After inserting the DC coupler cable into the opening the battery compartment cover can be closed easily.
  3. Connect the DC coupler cable to the AC adapter cable, then to your wall outlet and ready to shoot.

ANO ANG ITSURA NITO KAPAG NAKALAGAY NA SA INYONG CAMERA:



I only recommend you to buy the original one  from Canon website para hindi masayang at masira ang inyo Camera. Mabuti nang maging sigurado na sa mismong brand ng Camera ninyo kayo bumili at nakakasiguro ko pa kayo sa kalidad at safety ng gadget mo. Pero nasa inyo naman kung makahanap kayo ng alternatibo at murang AC/DC coupler na mabibilihan online sabi nga nila buy at your own risk ๐Ÿ˜‰.  

Huwag ninyo isipin na mahal ang presyo ng adapter kung ito namn ay original at magagamit nyo ng pang matagalan. Hindi lamang sa sa pag fifilm nyo ito magagamit kundi nakakatulong rin maging sa pagkuha ng mga litrato. Kung mahilig kayo mag flat lays photography, ito ay makakatulong rin ito sa inyo na magamit ang Camera ng ilang oras na hindi iniisip ang baterya.

Sana nakatulong itong munating post ko para s amg anaghahanap ng solusyon sa mabilisang pagkalowbat ng inyong Canon G7X. Nakabili ka narin ba ng Adapter na ito? Nakatulong ba ng malaki sa inyong Youtube career ang Power adapter na ito? kindly leave a comment down below. Hanggang sa muli guys, CIAO!



๐ŸŒผSupport donation๐ŸŒผ

 Running a blog & Youtube takes a lot of time, money and effort. Become a part of a selfless patron by buying me a coffee ☕ or sponsoring a post is really a big help! Your support is highly appreciated and it really means a lot to me. I DO Thank you :)





No comments:

Post a Comment