Ikaw ba ay nagyou-youtube? Ikaw ba ay naghahanap o nagbabalak na mag-upgrade ng iyong video at nais na bumili ng ringlight? Ito ang kalimitang sumasagi sa ating isipan ang magkaroon ng magandang lighting set up sa ating filming room. Naisipan kong bumili ng ringlight dahil narin sa sobrang dilim ng aking mga video na nagagawa. Minsan rin ay hindi ako makapag film sa gabi dahil narin sa ang ilaw namin dito sa bahay ay mga warm lights.
Sa dami kong mga napanood na reviews online at nagreasearch talga ako ng bonggang bongga kung ano nga ba ang magandang ringlight sa mga nagsisimulang mag youtube at ang neewer na brand ang laging isina-suggest ng iba.
Neewer 14" inches LED Ringlight |
Napili ko ang 14" inches dahil narin sa maliit lang ang space ko kung saan ako nagfifilm para ma-maximize ko ang aking lugar at makakilos parin ako kung aking nanaisin. Ang 14" inches ay maganda para sa mga taong ang gusto lamang eh madagdagan ng kaunting liwanag ang kanilang mga video na ginagawa or para sa mga talking videos reviews na ginagawa nyo. Ang size na ito ay hindi para sa pang malalakihang kwarto.
With and without Neewer 14" inches LED Ringlight |
Makikita ninyo ang pinaka-iba ng meronng ilaw sa wala at napakalaking pag kakaiba ang naidudulot nito sa mga video ninyo. Lalong lumiwanag at lalong nakita ang kabuuan ng inyong mukha. Madali lang rin i-adjust ang intensity ng ilaw sa nais ninyo. Maganda itong gamitin lalo na kung kayo ay mahilig sa photography o flat lay photography. Magndang investment ang ringlight kaya mabuting bilihin nyo talaga kung ano ang inyong gusto at naayon sa inyong pangangailangan.